Kampo ni VP Leni, kinuwestyon ang pag-aalinlangan ng PNP at PDEA sa pagbibigay ng listahan ng High Value Targets sa kampanya kontra droga

Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pag-aalinlangan ng PDEA at PNP sa pagbibigay sa Bise Presidente ng listahan ng High Value Targets sa war on drugs.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, isang abogado ang Bise Presidente kaya alam nito kung paano hahawakan ang impormasyon laban sa mga kriminal at crime groups.

Batid din ni Robredo kung ano ang mga impormasyong pwede isa publiko at impormasyong confidential.


Binanggit din ni Gutierrez ang ilang okasyong binabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang mga nasasangkot sa drug trade.

Facebook Comments