Kampo ni VP Leni, nasupresa sa 2022 presidential bid ni Trillanes

Nasupresa ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa anunsyo ni dating Senator Antonio Trillanes IV na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ng bise presidente, na nagpapakita lamang ito ng impresyon na inabandona na ni Robredo ang anumang intensyong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Hindi nila inaasahan ang anunsyo ni Trillanes na kanilang kakampi sa matagal na panahon.


Bukod dito, hindi rin nakipag-usap bsi Trillanes kay Robredo bago ang kanyang announcement.

Bagamat hindi itinanggi ni Gutierrez ang pagkokonsidera ni VP Robredo na tumakbo sa isang local position, binigyang diin niya na wala pang ginagawang paghahanda para rito.

Iginiit din ni Gutierrez na registered voter pa rin si VP Lenis a Naga at wala siyang planong ilipat ang kanyang registration sa Camarines Sur o sa iba pang lugar.

Si VP Robredo ang chairperson ng Liberal Party.

Facebook Comments