Kampo Ni Vp Leni Robredo, Handang Magbigay Ng Tulong Sa Pamilya Ng Binitay Na Ofw

11

MANILA – Handa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na magbigay ng tulong sa pamilya ng binitay na Overseas Filipino Worker na si Jakatia Pawa.Inihayag ito ni Robredo kasabay ng pagpaparating ng pakikiramay sa pamilya ng binitay na OFW.Ayon kay Robredo, plano nilang makipag-ugnayan sa mga kaanak ni Pawa.Hinikayat naman ni Robredo ang lahat na patuloy na magtrabaho para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers na araw-araw na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at bansa.Hinimok din niya ang pamahalaan na silipin ang kalagayan ng mga OFW na nasa death row sa iba’t ibang panig ng mundo.

Facebook Comments