Manila, Philippines – Binasura ng Presidential Electoral Tribunal ang ilang bahagi ng petisyon ni dating Senador Bongbong Marcos hinggil sa election protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Kabilang narito sa binasura ang first of course of action na ipawalang-bisa ang proklamasyon ni Robredo, gayundin ang pagbasura sa kahilingang gamitin ang mga ballot boxes sa mga highly urbanized cities .
Tanging pinayagan ng lamang ng Korte Suprema o ng PET ang paggamit sa ballot boxes mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Hindi rin pinaburan ang kahilingan ni Marcos sa na ipawalang-bisa ang resulta ng halalan sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan, gayundin ang kahilingang makapagsumite lamang ng tatlong testigo kasa clustered precinct.
Sa kabila nito, maaari pa namang maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Marcos.