Dismayado ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagpapaimbestiga ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa kanilang COVID-19 efforts.
Sa isang statement, tinawag ng kaniyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez na “ridiculous, inappropriate at out of touch” ang naging pahayag ni PACC Commissioner Manuelito Luna na kumukumpitensya si VP Leni sa pambansang gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 outbreak.
Ani ni Gutierrez, kung sa tingin ng gobyerno na kompetisyon ang pag-aalok ng free shuttle services, ng libreng dorms at pamamahagi ng PPEs sa mga kaawa-awang mga health workers, hindi umano nila nauunawaan ang bigat ng kinakaharap na krisis.
Hiniling ng kampo ni Robredo sa National Bureau of Investigation (NBI) na mag isyu ng statement kung may ganitong reklamo laban sa Bise Presidente.
Tiniyak naman ni Gutierrez na sa kabila nito, tuloy pa rin ang kanilang pagtulong para sa mga apektado ng krisis.