Manila, Philippines – Tiwala ang kampo ni Vice President Leni Robredo na mababasura ang protesta ni dating senador Bongbong Marcos hinggil sa umano’y dayaan nuong nakaraang eleksyon.
Ayon sa abogado ni Robredo na sina Atty. Romulo Macalintal – walang basehan ang mga alegasyon ni Marcos.
Dagdag pa ni Macalintal – Nahugot lang daw ito sa mga inimbentong ebidensya at nagiging desperado na ang kabilang kampo.
Samantala, napili naman ng kampo ni Robredo ang mga probinsya ng Capiz, Sulu at North Cotabato para sa manual recount dahil sa pagkakaroon ng 0 votes.
Facebook Comments