Kampo ni VP Leni, umaasang mareresolba sa lalong madaling panahon ang election protest nila ni Marcos

Manila, Philippines – Umaasa ang kampo ni Vice President Leni Robredo na mareresolba sa lalong madaling panahon ang election protest sa pagitan nila ni dating Senator Bongbong Marcos.

Ayon kay Atty. Bernadette Sardillo, sa ngayon hindi nila alam kung matatapos ito sa termina ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ay nakadepende sa pagpapasya ng Presidential Electoral Tribunal.

Depensa pa ni Sardillo, ang kampo ni Marcos ang maraming mosyong inihain sa korte taliwas sa ibinibintang nitong ang kampo nila ang madaming inihain sa korte na parte umano ng delaying tactics.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558


Facebook Comments