Kampo ni VP Robredo, hinimok ang pamahalaan na pakinggan ang mga suhestyon para sa pagpapabuti ng COVID-19 response

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na kailangang pakinggan ng pamahalaan ang mga suhestyon para mapabuti ang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Nabatid na itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkukulang ang COVID-19 response ng gobyerno.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, dapat isipin ng gobyerno na marami ang nakadepende sa kanila at marami rin ang gustong tumulong.


Pakiusap ni Gutierrez na dapat isantabi nila ang pulitika.

Binanggit ni Gutierrez ang mga datos kabilang ang pagsampa sa higit 200,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, -16.5% na Gross Domestic Product (GDP), 7.5 million na trabahong nawala, pagsasara ng 26% ng mga negosyo at libu-libong stranded Filipinos, at paglala ng kagutuman.

Sinabi ni Gutierrez na mahirap tulungan ang sinuman na ayaw tanggapin at aminin na mayroong problema.

Ang Office of the Vice President (OVP) ay nagawang makalikom ng ₱62 million na halaga ng donasyon mula sa pribadong sektor para sa pagbili ng protective gear, food at care packs at medical supplies at iba pang assistance.

Facebook Comments