Manila, Philippines – Maghahain ng mosyon ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court na tumatayo din bilang Presidential Electoral Tribunal para hilingin na bigyan pa sila ng sapat na panahon para mabayaran ang nalalabing P7.4m na election protest fee.
Ayon kay Atty. Bernadette Sardillo Abogado ng pangalawang pangulo, bago ang itinakdang deadline ng PET sa Biyernes, July 14 ay maghahain sila ng mosyon sa Korte Suprema.
Una nang itinakda ng PET sa biyernes ang deadline sa pagbabayad ni VP Leni ng P7.4m election protest fee.
Matatandaan noong May 2 nagbayad na ang kampo ng pangalawang pangulo ng p8m bilang paunang bayad.
Layunin nitong ma-retrieve ang mga ipinoprotestang ballot boxes at election documents bilang bahagi ng inihain nitong counter protest laban kay dating Sen. BongBong Marcos.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558