Kampo ni VP Robredo, nananatiling naka-focus sa kampanya sa kabila ng panawagan ng ilang katunggali na umatras sa kandidatura

588

Nagsalita na ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos ang idinaos kanina na joint press conference ng mga kapwa presidentiables na sina Senator Ping Lacson, dating secretary Norberto Gonzales at Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Atty. Barry gutierrez, nananatili silang naka-focus sa pagpapakita sa taumbayan na ang pagkapanalo ni Robredo ay pagkapanalo rin ng bawat Pilipino.

Sinabi pa ni Gutierrez na nasa momentum na sa ngayon ang kampanya ni Robredo lalo na sa mga ipinakikita ng mga dumadalo sa mga campaign rally sa iba’t ibang lugar.


Wala rin aniyang napapala ang publiko sa mga paninira at mula pa naman noong una ay alam na ng kanilang kampo na hindi aatras ang mga katunggali sa pagtakbo bilang pangulo.

Matatandaang kanina ay sinabi ni Moreno na dapat si Robredo ang umatras sa kandidatura upang matalo ang kandidatong kasalukuyang nangunguna sa mga survey.

Facebook Comments