
Hindi na ikinagulat ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang ikatlong impeachment complaint sa Kamara laban sa pangalawang pangulo.
Iginiit ni Atty. Michael Poa na inaasahan na nila ang paghahain ng sunod-sunod na impeachment complaints laban kay VP Sara.
Sinabi ni Poa na sa ngayon ay masusi nilang mino-monitor ang developments at kanilang haharapin ang complaints sa pamamagitan ng tamang constitutional processes.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Atty. Poa na hindi pa nababasa ng legal team ng pangalawang pangulo ang ikatlong impeachment complaint.
Una na ring iginiit ni Atty. Poa ang inilahad ng Supreme Court (SC) na ang impeachment ay hindi political process.
Sa halip, ito aniya ay dapat na sinusuportahan ng mga ebidensya , standards at due process.










