Kampo ni VP Sara Duterte, naghain na ng komento sa Korte Supreme bilang pagkontra sa apela ng Kamara sa isyu ng nabasurang impeachment case ni VP Sara

Nakapagsumite na ng komento sa Korte Suprema ang kampo ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay para kontrahin ang motion for reconsideration na inihain ng House of Representatives sa Korte Suprema.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Supreme Court (SC) na labag sa batas ang ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Sara.

Tumanggi naman si Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni VP Sara, na magbigay ng karagdagang detalye sa media hinggil sa kanilang inihaing komento.

Ito ay dahil sa sub judice rule at bilang pagrespeto na rin aniya sa judicial process.

Facebook Comments