Kampo ni VP Sara, nilinaw na hindi siya gumagamit ng pondo ng gobyerno sa kanyang mga biyahe sa abroad

Nilinaw ng Office of the Vice President (OVP) na walang ginagastos na pera ng bayan si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga biyahe sa abroad.

Kabilang dito ang pagpabalik-balik ni VP Sara sa The Netherlands para tutukan ang pagpapalaya kay dating Pangulong Duterte.

Iginiit din ng kampo ng pangalawang pangulo na bahagi ng mandato ni VP Sara ang alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa ibayong-dagat.

Pinakahuling dinalaw ni VP Sara ang Kuwait kung saan nakaharap niya ang Filipino community doon kahapon.

Kabilang sa kanilang napag-usapan ang mga isyu na nakaka-apekto sa naturang sektor.

Tiniyak din ng OVP na aktibo sa pagtulong sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa ang kanilang sampung satellite offices, sa kabila ng limitadong kapasidad at budget.

Facebook Comments