Kamukha ni Baby Elias Modesto, isiniwalat ni Beauty Gonzalez

703
File photo

Ibinahagi ni Beauty Gonzalez sa isang panayam kay Boy Abunda kung sino ang kamukha ng anak ni John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Baby Elias Modesto.

Nang tanungin siya ni Tito Boy, agad niyang sinabi na kamukha ito ng ina na si Ellen.


Matatandaan na nag-hiatus sa publiko at showbiz ang dalawa ng isang taon upang maalagaan ng maayos si Baby Elias.

Isang taon din hindi ipinakita ang mukha ni Baby Elias, at kamakailan lamang ay iginunita nito ang unang kaarawan noong Hunyo 27.

Balik trabaho na rin si John Lloyd nang makasama sa isang event ng Shawarma brand sina Bea Alonzo at Piolo Pascual.

Nakita na rin si John Lloyd at Bea na nagt-taping sa Palawan. Wala pa namang naiulat na pagbabalik showbiz ni Ellen.

Facebook Comments