Kamuning Flyover, nakahanda na sa muling pagbubukas sa trapiko ngayong araw

Inihayag ng Department of Public Works and Highways National Capital Region (DPWH-NCR) na wala nang makapipigil dahil tuloy na tuloy na ang pagbubukas ng Kamuning Flyover sa Quezon City ngayong araw.

Ito’y matapos na isara ng halos isang buwan ang tulay simula nitong June 25 upang bigyang daan ang pagkukumpuni sa nakitang bitak sa tulay.

Kapinsin-pansin na natapos na lahat ng konstruskyon sa mga pagitan ng flyover at maaari nang daanan anumang oras.


Napinturahan na rin ang lahat ng mga railing at mga lane marking sa tulay kung saan ay naispaltuhan na rin ang ilang bahagi.

Ayon kay DPWH-NCR District Engineer Eduardo Santos, ang nagpapatuloy na lang ngayon ay ang retrofitting sa Kamuning Flyover na siyang makikita sa ilalim ng tulay na hindi naman aniya makakaapekto sa pagbubukas nito mamayang hapon.

Facebook Comments