Kandidata ng Miss Universe Philippines na nag-positibo sa COVID-19, nag-quit sa pageant

Nag-quit na sa Miss Universe Philippines 2021 ang pambato ng Cagayan Province na si Gianne Asuncion.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Gianne na kailangan niyang magpahinga at magpagaling mula sa pneumonia matapos na magpositibo sa COVID-19.

Nagpasalamat naman ang aspiring beauty queen sa mga mentor, kaibigan, pamilya at taga-suporta sa kaniyang pageant journey.


Lunes nang aminin ni Gianne na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang sandali lang matapos na ianunsyong nakapasok siya sa Top 50 official candidates ng Miss Universe Philippines 2021.

Facebook Comments