
Hinihimok ng Aksyon Eleksyon 2025 ang lahat ng botante lalo na ang mga kabataan at unang beses na boboto na maging mapanuri, manindigan para sa pananagutan, at pag-isipan kung iboboto ang mga kandidato na may kaduda-dudang record sa serbisyo-publiko.
Ang Aksyon Eleksyon 2025 na isang independent initiative ng kabataang Pilipino ay nananawagan din sa lahat ng botante na huwag suportahan ang mga kandidatong ito lalo na’t salungat sila sa mga prinsipyo ng mabuting pamamahala, integridad, at paggalang sa karapatang pantao.
Ilan sa mga kandidato na binanggit ng Aksyon Eleksyon 2025 ay mga tumatakbo sa pagkasenador na parte ng political dynasty at may kinahaharap na kaso kabilang din ang tumatakbong kongresista na na sangkot sa alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng PhilHealth.
Mariin namang kinodondena ng Aksyon Eleksyon 2025 ang mga naging pahayag ni Christian Sia sa Pasig hinggil sa mga single parent.
Muling iginiit ng Aksyon Eleksyon 2025 na piliin sana ang mga lider na may dignidad, pananagutan, at tunay na malasakit sa bayan kung saan suriin ang record ng mga kandidato at labanan ang maling impormasyon.









