Kandidato sa Darating na Eleksyon, Arestado sa Buy Bust!

Santiago City, Isabela – Arestado ang isang kandidato sa pang-barangay chairman na posisyon sa isinagawang buy bust operation sa Santiago City, sa oras na alas onse trentay singko ng umaga, ngayong araw.
Sa ipinarating na impormasyon ng PNP Santiago Station 1 sa RMN Cauayan, kinilala ang incumbent kagawad ng barangay na si Eugenio Villacorta De Leon, limamput tatlong taong gulang, may asawa, at nahuli sa Barangay Rizal, Santiago City kung saan tatakbong Barangay Chairman sa darating na eleksyon

Ang operasyon ay mula sa pinagsanib na pwersa ng PNP Santiago Station 1 sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando Gatan; Satation Commander ng RID; RDEU sa supervision ni Police Superintendent Ariel Quilang; CDEU; SCPO; PDU at PEDA na pinangunahan ni Agent Rosario Abella, City Officer ng Santiago City.

Nakuha sa kagawad ng barangay na si Eugenio De Leon ang dalawang plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at limang piraso ng isang libong piso bilang marked money.
Inihahanda na sa ngayon ang kaso ni De Leon na paglabag sa section 5 at 10 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act.


Facebook Comments