KANDIDATURA | Dating Agriculture Sec. Proceso Alcala, binigyan ng go signal ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Tuloy ang kandidatura sa 2019 mid-term elections ni dating Agriculture Sec. Proceso Alcala.

Kasunod ito ng pasya ng Court of Appeals na ibasura ang desisyon ng Office of the Ombudsman na guilty si Alcala sa grave misconduct na may parusang diskwalipikasyong humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Sa 10-pahinang ammended decision ni Court of Appeals Associate Justice Apolinario Bruselas Jr., guilty sa simple neglect of duty si Alcala na may anim na buwan suspension.


Pero dahil wala syang posisyon ngayon sa pamahalaan ay pinagmumulta na lamang sya ng katumbas ng anim na buwang suspensiyon.

Ang desisyun ng Ombudsman ay may kinalaman sa sinasabing maling paggamit sa mahigit 13 million pesos na pondo para sa konstruksiyon ng Quezon Corn Trading and Processing center noong si Alcala sya pa ang kahilim ng Dept. of Agriculture.

Si Alcala ay tumatakbo sa pagka kongresista sa ikalawang distrito ng Quezon Province.

Facebook Comments