Manila – Inendorso ng apat na transport group ang pagkandidato sa senado ni Joel Tesdaman Villanueva.Pangunahing sinuportahan ng Pasang Masda, Federation Of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) at Liga ng mga Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP) ang mga programa ni Villanueva sa edukasyon at pagbibigay ng trabaho.Nangako ang grupo na magkakaisa ang nasa 500, 000 nilang miyembro sa pagsuporta kay Villanueva na dating director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).Nagpasalamat naman si Villanueva sa mainit na pagsuportang ipinakita ng transport groups sa kanyang kandidatura.Kasabay nito, tiniyak din ni ACTO President Efren De Luna na susuportahan ng mga transport group ang kampanya ni Villanueva para sa mga utility drivers at operators na ginawa niya noong siya ay nakaupo bilang pinuno ng TESDA.Nabatid na nagsasagawa ng regular na training si Tesdaman sa mga utility drivers para matiyak na makakasunod ang mga ito sa mga traffic rules at ligtas na pagmamaneho.
Kandidatura Ni Joel Tesdaman Villanueva, Sinuportahan Ng Major Transport Groups
Facebook Comments