Kangkong o Marijuana? 4 lalaki, huli dahil sa pagbebenta ng ‘iligal na droga’

STOCK PHOTOS FROM UNSPLASH

Dinakip nitong Biyernes ang apat na lalaki na nagtitinda umano ng marijuana online. Pero giit ng mga nahuli, kangkong ang nasabat sa kanila.

Sa isinagawang buybust operation ng Quezon City Police, nakumpiska mula sa magbabarkada ang hinihinalang marijuana na umaabot sa P100,000.

Ayon sa mga pulis, nakipagtransaksyon sila sa mga suspek sa isang social media site hanggang sa mapagkasunduang bibili ng isang kilong marijuana sa halagang P27,000.


Kinilala ang mga naarestong kabataan na sila Paul Rico Jose, Archie Dizon, Christian Joshua Lapira, at Edison Fernandez.

Depensa ng magkakaibigan, niloloko lamang nila ang operatiba dahil kangkong raw ang totoong laman ng package. Binili raw ang gulay sa isang talipapa sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyang silang nakapiit sa Kamuning Police Station habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa nakuhang “droga”.

Facebook Comments