Kanin, pritong itlog, meatloaf at kape kinain ni Quiboloy at 4 na kapwa akusado

Maayos ang kondisyon ni Kingdom of Jesus Christ founder (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado nito na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes na pare-parehong naka ditene sa Philippine National Police (PNP) Custodial facility.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo inalmusal ng mga ito kanina ay kanin, piniritong itlog, meatloaf at kape tulad ng iba pang detainees.

Magkakahiwalay rin aniya ang piitan ng mga lalake at babae.


Samantala, anumang oras ay inaasahang haharap sa media sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. at PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.

Ito ay para bigyang linaw ang detalye hinggil sa pagsuko ni Quiboloy at 4 na iba pa kagabi sa KOJC compound sa Davao city.

Kanina sa presscon din ni Fajardo, sinabi nitong ang pagbabasa ng bibliya at purpose driven life book ang pinagkaka abalahan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo habang ito ay naka piit sa kanyang selda dito sa Kampo Krame.

Sa ngayon, si Guo ay humaharap sa pagdinig sa Senado para bigyang linaw ang kanyang koneksyon hinggil sa umano’y illegal Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) operations sa bansa.

Facebook Comments