KANKANEN FESTIVAL 2023, IPINAGDIWANG NG BAYAN NG ASINGAN

Ipinagdiwang kahapon, ika-9 ng Hunyo ang 2023 Kankanen Festival ng bayan ng Asingan tampok ang piniling isang uri lamang ng kakanin na siyang sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga Asinganians.
Nasa higit limang daang bilao o kabuuang bilang na limang daan at labing-isa o 511 na mga Inkiwar, ito ang napiling uri ng malagkit ang naitanghal ng mga residenteng patuloy na ipinapahayag lalo na ang kanilang culinary traditions.
Tinatayang nasa tatlong libong mga katao naman ang dumalo at nakisaya sa nasabing pagdiriwang kasabay ang ilang pang aktibidad na hinanda alinsunod sa pagdiriwang nito.

Ilang mga ahensya at opisina tulad ng DepEd, maging ang lahat ng opisina ng lokal na gobyerno ng Asingan, mga Farmers Association at lahat ng barangay ng bayan ang boluntaryong nagpakita ng suporta sa Kankanen Festival dhail mula ang kanilang gastos sa sariling pera.
Laking pasasalamat ng alkalde ng bayan sa lahat ng nakiisa at nagbigay suporta sa pagtatampok ng isa sa mga produkto ng bayan.
Samantala, target ng LGU Asingan na mapabilang sa Guinness World Book of Records ang nasabing okasyon nang mas mapakilala pa hindi lamang sa lalawigan ng Pangasinan maging sa buong mundo ang Kankanen Festival Asingan. |ifmnews
Facebook Comments