Matapos yanigin ng magnitude 5.1 na lindol ang Anini-Y, Antique kaninang alas-12:25 tanghali, tumama naman ang magnitude 5.8 na lindol sa kanlurang bahagi ng Maguindanao.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol 11km North West ng South Upi, Maguindanao kaninang alas-2:25 ng hapon.
May lalim itong 62km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naramdaman naman ang ilang intensity sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V- Cotabato City
Intensity IV- General Santos City
Intensity II- Davao City; Kidapawan City
Instrumental Intensities:
Intensity III- Zamboanga City
Intensity II- Kidapawan City
Intensity I- Davao City
Walang naitalang pinsala ang lindol pero asahan na ang mga aftershock.
Facebook Comments