KANSELADO | Biyahe nina Sec. Bello at Spokesman Roque patungong Libya, kinansela

Manila, Philippines – Kinansela nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang kanilang biyahe patungong Libya.

Kahapon sana ang lipad ng dalawang opisyal papuntang Libya upang asikasuhin nila na mapalaya ang tatlong Pilipino na dinukot sa nasabing bansa.

Ayon kay Roque, handa na sila ni Bello sa kanilang biyahe pero dahil sa ilang security considerations ay nagpasya sila na i-postpone na lamang ito.


Matatandaan na dinukot ng mga armadong kalalakihan ang mga Filipino engineer at isang South Korean sa isang water project site sa western Libya noong Hulyo kung saan may lumabas ding video na humihingi ng tulong ang mga Pinoy.

Tiniyak naman ni Roque na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat upang masagip ang mga ito.

Facebook Comments