KANSELADO | LTFRB, tuluyan nang kinansela ang 11 prangkisa ng Dimple Star Bus Company

Manila, Philippines – Nagpalabas ng kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tuluyang nagkansela sa 11 prangkisa ng Dimple Star Bus Company dahil sa pagkakasangkot sa maraming aksidente sa lansangan.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, ito ay bunga ng deliberasyon sa kaso ng Dimple Star bus na nahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Marso 20 2018 na nagresulta ng pagkamatay ng 19 katao at pagkasugat ng 21 iba pa.

Una nang pinatawan ng 30-day preventive suspension order ang Dimple Star buses na bumibiyahe sa ruta mula San Jose, Occidental Mindoro-Manila.


Nagdesisyon ang ltfrb ng pagkansela sa buong prangkisa ng Dimple Star dahil sa paulit ulit na kapabayaan sa kanilang transport services.

Base sa records ng LTFRB ,mula 2011 hanggang 2018, higit 25 katao na ang naitalang nasawi at pagkasugat ng 134 iba pa sa 8 road crashes kabilang ang malagim na insidente ng Dimple Star Bus Company na nahulog sa bangin sa Occidental Mindoro noon.

Facebook Comments