KANSELADO | Number coding sa mga provincial bus, suspendido

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng number coding scheme sa mga provincial buses simula bukas, December 21 hanggang January 2.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon nitong mahayaan na makapamasada ang mga pampublikong sasakyan bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Pasko.

Samantala, suspendido rin ang number coding scheme para sa mga pribadong sasakyan simula December 24, bisperas ng Pasko hanggang January 2.


Sa ngayon, wala pang inilalabas na advisory ang Makati City at Las Piñas City kung magsusupinde rin sila ng number coding sa mga nabanggit na araw.

 

Facebook Comments