Kanselasyon ng higit 40 flights ng Cebu Pac, iimbestigahan

Iimbestigahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang nangyaring pagkakansela sa higit 40 flights ng Cebu Pacific.

Ayon kay CAB Executive Director Atty. Carmelo Arcilla – nasa proseso na sila ng pag-evaluate sa insidente at aalamin ang dahilan nito dahil maraming pasahero ang naapektuhan.

Inaasahang ilalabas ng CAB ang evaluation report sa loob ng linggong ito.


Humingi na ng paumanhin ang Cebu Pacific sa abalang idinulot nito sa mga pasahero.

Facebook Comments