Kanselasyon ng pasaporte ng dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr., iniutos ng Manila RTC

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nagbaba na ng kautusan ang Manila Regional Trial Court Branch 51 sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang agarang kanselasyon ng pasaporte ng dating kongresista na si Arnolfo Teves Jr.

Kaugnay nito ay inatasan na rin ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na gumawa ng kaukulang hakbang upang mapadali ang pagbabalik ni Teves sa bansa, kasunod ng pagkansela ng kanyang pasaporte.

Huling nakita si Teves sa Timor Leste.


Si Teves ang akusado sa pagpatay kay Negros Oriental governor Roel Degamo at iba pa.

Facebook Comments