Sinisisi ngayon ng Communist Party of the Philippines o CPP ang panggugulo umano ng mga sundalo kaya kinansela nila ang kanilang annual plenum o taunang pagpupulong ng mga lider ng CPP, New Peoples Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Sinabi mismo ni ka-Oto ang tagapagsalita ng Guerrilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Command, isasagawa sana nitong December 26 ang kanilang annual plenum sa Bacuag Surigao del Norte.
Pero dahil sa hindi umano pakikiisa ng militar sa umiiral na ceasefire kaya nagkaroon ng gulo sa pagitan ng militar at NPA ang kanilang armed wing ay hindi ito natuloy.
Ipinagtanggol naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga sundalo at sinabing kahit may ceasefire nagpapatuloy ang trabaho ng militar na ipatupad ang law enforcement operation at tulungan ang komunidad mula sa mga panggulo ng komunistang grupo.
Giit ni Lorenzana idinedepensa lamang ng mga sundalo ang kanilang sarili sa mga pag atake ng NPA at hindi aniya para guluhin ang taunang aktibidad ng CPP.
Hinikayat pa ng kalihim ang CPP na gawin na ang plano nilang annual plenum.