Kinopya lamang ang tono ng kanta ni Katy Perry na ‘Dark Horse’ sa isang Christian rap song na ‘Joyful Noise’ ni Marcus Gray o Flame, ayon ito sa inilabas na desisyon ng mga hurado sa Los Angeles nitong Lunes.
Sa unanimous decision ng siyam na hurado, sinabi nilang may pagkakapareho ang kanta ni Perry sa christian song ni Gray.
Depensa ng grupo ni Perry, orihinal na komposisyon ito ng popstar at kahit kailan ay hindi niya narinig ang rap song.
Ayon naman sa mga abogado ni Gray, kinopya ni Perry ang 16 na segundong instrumental phrase na importanteng parte ng kanta.
Samantala, pag-uusapan pa ng korte ang ‘damages’ o copyright infringement na babayaran ng kampo ni Perry kay Gray.
Copyright infringement ay ang paggamit ng likha ng ibang tao na walang permiso, nilalabag nito ang copyright law.
https://www.youtube.com/watch?v=jTLeHuvHXuk
Noong 2008 inilabas ang ‘Joyful Noise’ ni Flame na may halos tatlong milyong views habang ang ‘Dark Horse’ ay noong 2013 na may genre na Pop music at mayroong higit dalawang bilyong views sa Youtube.