Kantang “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu, pasok agad sa Top 50 ng iTunes PH

221

Agad na pumasok sa Top 50 ng iTunes PH ang “Bawal Lumabas: The Classroom Song” ni Kim Chui sa unang araw nang i-release niya ito.

Sa kanyang Instagram post, masayang ibinalita ni Kim na ang nasabing kanta ay pasok sa “Top OPM Song ng iTunes PH at ang nag-iisang OPM song na pasok sa Top 50 on its first day of release.”


Kasabay nito, nanawagan si Chinita Princess na patuloy na suportahan ng classmates niya ang “Bawal Lumabas: The Classroom Song” sa iba’t ibang digital platforms tulad ng iTunes, Apple Music, Spotify, Youtube, Deezer at Amazon.

Unang inamin ni Kim na ang nasabing kanta ay nagpapaalala sa kanya na kahit bumagsak ka ay may pagkakataon pa rin para bumangon dahil tuluy-tuloy lang ang andar ng buhay.

Matatandaang umani ng pamba-bash mula sa netizen si Kim dahil sa komento niya sa pagpapasara sa kanyang istasyon kung saan inihalimbawa niya ito sa law ng classroom kung saan bawal lumabas.

Facebook Comments