KAPA founder Joel Apolinario hindi susuko

1534
Image via Facebook/Joel Apolinario

Hindi susuko si KAPA Community Ministry International founder Pastor Joel Apolinario para siguradong ligtas siya sa kapahamakan.

Ayon kay Apolinario, gagawin niya lamang ito kapag sinabi mismo ng mga miyembro ng religious organization.


Aminadong nagdududa siya sa planong pagpapalantad pero buong tapang nitong sinabing handa siyang ialay ang sariling buhay alang-alang sa Kapa Community Ministry International.

Isinasagawa ngayon ang manhunt operation laban sa kontrobersyal na pastor.

Kamakailan, muling lumantad si Apolinario sa pamamagitan ng social media upang makausap ang kanyang mga tagahanga. Humingi ito ng pang-unawa sa panandaliang pagkakawala. 

Huling nakita ang KAPA founder kasama ang maybahay nitong si Reyna noong Hunyo 13 sa isinagawang prayer rally sa Pedro Acharon Sports Complex, General Santos City.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga opisyal ng KAPA Communistry Ministry dahil sa pagkakaugnay ng korporasyon sa billion investment scam.

Facebook Comments

From Advertisers