KAPA founder, no show sa unang pagdinig ng DOJ sa reklamong inihain ng SEC

Manila, Philippines – Sa kabila ng subpoena na pinadala ng DOJ Panel of Prosecutors, hindi sumipot sa unang pagdinig sa kasong isinampa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang grupo ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario.

Wala ring abogadong nagsilbing kinatawan ng Kapa officials sa hearing.

Tanging ang complainant sa pangunguna ni SEC Director Jose Aquino ang dumating sa preliminary investigation at ang testigong si SEC investigator Bryant Simoned Chang.


Personal na pinanumpaan ni Director Aquino ang kanilang complaint affidavit.

Bunga nito, itinakda ng Department of Justice o DOJ ang susunod na pagdinig sa kaso sa July 15 kung saan inaasahang magsusumite ng counter-affidavit respondents.

Sinabi ni Aquino na bukod sa mga hawak nilang mga affidavit na magdidiin sa Kapa officials,  may mga testigo na rin silang handang sumalang sa pagdinig laban sa Kapa.

Kasama rin sa respondents sina Kapa Board of Trustee Margie Danao, Corporate Secretary Reyna Apolinario at mga opisyal na sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

June 18, nang magsampa ang SEC ng reklamong paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.

Facebook Comments