Kapa Ministry, handang humarap sa anumang imbestigasyon

Handang humarap sa anumang imbestigasyon ang Kapa-Community Ministry Incorporated.

Ayon kay Danny Mangahas, convenor at tagapagsalita ng Kapa – walang itinatago ang kanilang founder na si Joel Apolinario at ibinabalik lamang nito sa kanilang mga miyembro ang kinikita ng kanyang mga negosyo.

Iginiit din ni Mangahas na hindi away-relihiyon ang ugat ng isyu sa Kapa.


Nanawagan din ang Kapa kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang magbalik operasyon.

Facebook Comments