Napahina na umano ang impluwensya at kapabilidad ng CPP-NPA-NDF sa Eastern Visayas.
Ito ang ipinahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario na siya ring taga-pamuno ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Region 8.
Ayon kay Del Rosario, anim na probinsya na kinabibilangan ng Leyte, Southern Leyte, Biliran, Samar, Eastern Samar at Northern Samar ang nagdeklara sa CPP-NPA bilang persona non grata.
Abot din sa 3,395 mula sa 4,390 o 77% ng mga barangay sa Region 8 ang gumawa rin ng katulad na hakbang.
Dagdag ni Del Rosario, 11 communist fronts sa Eastern Visayas ang nalansag simula ng activation ng NTF-ELCAC.
Dahil dito, tuloy- tuloy na ang implementasyon ng infrastructure projects sa Eastern Visayas, partikular ang pag- rollout ng livelihood at development assistance programs sa iba’t ibang barangay ng mga government agencies.