Tiniyak ni Dr. Alfonso Danac head ng Philippine Emergency Medical Assistance team ng Inter Agency Contingent sa Türkiye na nasa maayos na kalagayan ang ating team.
Ayon kay Dr. Danac, ibinibigay naman ng Turkish government ang lahat ng kanilang pangangailangan.
Maliban dito kumpleto rin sa gamit ang ating team bago pa man sila tumulak pa Türkiye.
Sinabi pa ni Dr. Danac na kada araw umiinom sila ng bitamina para mapalakas ang kanilang immune system lalo na’t tag lamig ngayon sa Türkiye.
Maliban dito, sinisiguro din nilang maayos ang mental health condition ng bawat isa sa kanila at araw araw din silang nagsasagawa ng physical exercise bago sumabak sa search and rescue operations.
Paliwanag pa ni Dr. Danac, hamon sa team ngayon ang malamig na panahon sa Türkiye kung kaya’t inaasikaso narin ng ating embahada sa Türkiye ang pagbibigay sa mga ito ng mga damit panlamig.