Tinalakay sa first quarter meeting para sa calendar year 2018 ng Persons with Disability Affairs Committee ng Cotabato City ang mga napagtagumpayan nito sa nakaraang taon at ang mga posible pang mga hakbang na kanilang isasagawa.
Sa pulong ay pinuri ng mga miyembro ng komite at ng chairman nito na si City Councilor Hon. Freddie Ridao ang mga pagsisikap ng physically challenged members na nagsumikap na makapagsagawa ng dalawang major events na may layuning maipalaganap ang kamalayan sa lahat ng sektor hinggil sa mga pribilehiyo at karapatan ng persons with disabilities.
Maliban sa pagbuo ng PWD-related events, iminungkahi din ng mga miyembro na lumikha ng mga programa at paroyekto na tututok sa iba’t-ibang pangangailangan ng physically challenged constituents tulad ng livelihood, accessibility sa medical necessities at sa karapatan ng mga ito na makapag-aral at iba pa.
Binigyang diin din na sa oras na maipatupad na ang nabanggit na mga programa ay dapat na magkaroon ng monitoring team na titingin sa implimentasyon nito at mag-a-assess sa operasyon.
Kapakanan at karapatan ng PWDs sa Cotabato city, mas tututukan ng lokal na pamahalaan!
Facebook Comments