Kapakanan ng informal workers, dapat tutukan din ng gobyerno habang may krisis hatid ng COVID-19

Umapela si Senator Grace Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infections disease na iprayoridad din sa paglalatag ng programa kaugnay sa COVID-19 ang tulong para sa mga informal workers.

Inihalimbawa ni Poe ang mga nangongolekta ng basura, nagbebenta ng taho at fishball, mga tricycle at jeepney drivers, street-sweepers at mga construction workers.

Diin ni Poe, ang nabanggit na mga individual ay pinaka tatamaan ng enhanced community quarantine dahil kung hindi sila makakapagtrabaho ay wala rin silang ipapakain sa kanilang pamilya.


Panawagan ito ni Poe makaraang ihayag ng economic team na maglalaan ang pamahalaan ng PHP27.1-billion package para tulungan ang frontliners sa laban kontra Novel Coronavirus outbreak at sa iba pang sektor na apektado ng pandemic.

Diin ni Poe, base sa data mula sa philippine statistics authority ay nasa 650,000 na mga pilipino ang tumatanggap ng napakababang sweldo sa informal sektor na may malaking ambag din sa halos one third ng pag-unlad ng gross domestic product.

Facebook Comments