Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ang mamamayan ang pinaka malaking konsiderasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang magiging desisyon kung palalawigin ba nito ang Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na kailangang palawigin ang batas militar sa buong rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pangunahing kinokonsidera ni Pangulong Duterte sa kanyang desisyon sa Martial Law ay ang National Interest o ang kapakanan ng sambayanan.
Sinabi din ni Abella na hanggang sa ngayon ay inaabangan pa ng Malacanang ang magiging rekomendasyon ng Department of National Defense at ng Armed Forces of the Philippines kung kailangan bang palawigin ang batas militar.
Binigyang diin ni Abella na gusto ni Pangulong Duterte na sa lalong madaling panahon ay maibalik ang rule of law at peace and order hindi lang sa Marawi City kundi sa buong bansa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Kapakanan ng mamamayan, magiging malaking konsiderasyon ng pangulo kung palalawigin ang martial law sa Mindanao
Facebook Comments