KAPAKANAN NG MGA ALAGANG HAYOP TUWING MAY BAGYO, DAPAT ISAALANG-ALANG AYON SA PANGASINAN PDRRMO

Binigyang-diin ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng mga alagang hayop sa gitna ng kalamidad bunsod pa rin ng inaasahang epekto ng paparating na Bagyong Uwan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chui, bukod sa mga evacuation areas para sa mga mamamayan, mayroon ding nakalaan na evacuation areas para sa mga alagang hayop na kadalasang dinadala sa matataas na lugar

Muling pakiusap ng tanggapan na huwag iwanan ang mga alagang hayop at isama ang mga ito sa preparedness plan ng bawat pamilya.

Kaugnay nito, ipinatutupad na ng tanggapan ang pre-emptive evacuation sa mga hazard-prone areas para sa kaligtasan ng mga komunidad, bilang paghahanda sa bagyo.

Facebook Comments