Ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development-ARMM ang pagsasagawa ng mga aktibidad na magpapalaganap ng kagalingan ng mga bata sa rehiyon at protektahan ang mga ito laban sa iligal na droga, alinsunod ito sa tema ng National Children’s Month celebration ngayong taon na “Bata: Iligtas sa Droga”.
Sinabi ni ARMM Regional Vice Governor and concurrent DSWD-ARMM Secretary Haroun Alrashid Lucman Jr., ginagawa ng regional government ang kanilang katungkulan upang makapag-ambag sa anti-illegal drugs campaign ng national government.
Nitong Lunes, sa 25th NCM celebration, ipinanawagan ng DSWD-ARMM sa publiko ang paglahok sa proyektong “Pito, Bata, Pito! A Call 4 Help” (C4H).
Bahagi ng kampanya ang pagkolekta ng mga pito hanggang sa katapusan ng taon.
Ipamamahagi ang naturang mga pito sa mga bata na tuturuang gamitin ang mga ito sa oras na mangangailangan sila ng saklolo.
Sinabi pa ni Vice Gov. Lucman na ang kampanya ay layong bigyan ng boses ang mga bata mula sa lahat ng uri ng karahasan at pagsasamantala.(photo credit:bpiarmm)
Kapakanan ng mga bata sa ARMM, patuloy na palalaganapin!
Facebook Comments