Kapakanan ng mga batang inabandona, inaasahang matututukan na

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na matututukan na ang kapakanan at kaligtasan ng mga batang inaabandona.

Sinabi ito ni Hontiveros kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Foundling Recognition and Protection Act o Republic Act 11767.

Ayon kay Hontiveros, ang mga batang inabandona ay pinakabulnerable sa lipunan kaya malimit ay limitado ang karapatan at serbisyo nila mula sa gobyerno.


Diin ni Hontiveros, ang bagong batas ay nagpapakita ng commitment ng pamahalaan na bigyan ng higit na proteksyon ang karapatan at kapakanan ng mga inabandonang bata.

Tinukoy rin ni Hontiveros ang safe haven provisions na nakapaloob sa batas para wala nang bata na itatapon sa basura o sa estero, bagkus ay ilalagay na sila sa mga ligtas na lugar o pangangasiwa.

Facebook Comments