Kapakanan ng mga guro at estudyante, itutulak ni Legarda sa pagbabalik sa Senado

Apat na araw bago ang pagsisimula ng campaign period sa national position, tiniyak ni 3-term senator at Antique Lone District Representative Loren Legarda na kapakanan ng mga guro at estudyante ang isa sa mga pagtutuunan niya ng pansin sa pagbabalik sa Senado.

Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Legarda na sakaling palaring makabalik sa Senado, tututukan nito ang senate version at pagsasabatas ng inihain niya sa Kamara na House Bill No. 10405 o ang One Tablet, One Student Act of 2021.

Sa ilalim ng panukala ni Legarda, nais nito na mabigyan ng tig-isang tablet ang bawat estudyante.


Bukod dito, tututukan din ni Legarda ang Magna Carta for Public School Teacher na layong itaas ang sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa.

Facebook Comments