Tututukan pa ang kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya sa Tayug, matapos magibang bansa upang maasistehan sa kanilang pamumuhay, kasunod ng paglagda sa Convergence Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Migrant Workers Regional Office I, kasama ang OWWA, DOLE, TESDA, at ang Lokal na Pamahalaan.
Layon ng kasunduan na pag-ibayuhin ang koordinasyon ng mga ahensya upang maihatid ang mas accessible, mabilis, at epektibong serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya.
Kabilang dito ang tulong sa kabuhayan, pagsasanay, trabaho, at mga programa para sa reintegration.
Sa pamamagitan ng naturang pagtutulungan, inaasahan ng lokal na pamahalaan na higit pang mapatatatag ang suporta at mga oportunidad para sa mga migrant worker sa Tayug at sa buong rehiyon.










