Kapakanan ng mga migrant workers sa ASEAN Region isusulong ni Pangulong Dutere sa ASEAN Summit

Inihayag ni Communications Secretary Martin Andanar na ilalatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang issue ng migrant workers sa 34th ASEAN Summit dito sa Bangkok, Thailand.

Sa isang interview kay Andanar dito sa Bangkok, Thailand ay sinabi nito na isusulong ni Pangulong Duterte ang kapakanan ng mga migrant workers sa rehiyon lalo pa at Pilipinas ang isa sa mga bansa na mataas ang bilang ng mga migrant workers o mga Overseas Filipino Workers.

Isusulong ng Pangulo ang mga paraan para mapangalagaan ang kapakanan at Karapatan ng mga migrant workers sa ASEAN Summit.


Matatandaan na isa ang issue ng migrant workers sa mga isinulong ni Pangulong Duterte sa Chairmanship ng Pilipina sa ASEAN noong 2017.

Facebook Comments