Tinutukan sa Regional Family Welfare Program sa San Fernando, La Union, ang kapakanan ng mga pamilya sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman sa family planning, responsableng pagiging magulang, at kalusugan ng pamilya.
Sa programang pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1, tinalakay ang ugnayan ng maayos na pagpaplano ng pamilya at mabuting kalusugan sa produktibidad ng mga miyembro ng pamilya at katatagan ng sambahayan.
Ipinabatid din sa mga kalahok mula sa iba’t ibang industriya kung paano nakakaapekto ang demographic trend sa ekonomiya, pamamalakad ng mga organisasyon, at ng workforce sa rehiyon.
Layunin ng programa na bigyang gabay ang mga pamilya upang makagawa ng mga desisyon na nakatutulong sa kanilang kapakanan at sa mas maayos at matatag na pamumuhay.









