Patuloy na isinusulong ang kapakanan ng mga Person with Disabilities o PWDs sa Dagupan City sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga programang bebenipisyo sa mga ito, at bilang pakikibahagi rin ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa ika-45th taon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week ngayong buwan ng Hulyo.
Una nang binigyang diin ang pangangalaga sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagiging benepisyaryo ng mga ito ng libreng mga serbisyong medikal sa ating Diagnostic Center tulad ng libreng X-ray, ultrasound, CT-scan, ECG, at laboratory test, dental and medical check-up.
Prayoridad ding mabahagian ang mga ito ng mga assistive devices tulad ng wheelchairs at cannes na higit makatutulong sa kanila lalo na sa pagsasaalang-alang ng kanilang mga kondisyon.
Nais din ng alkalde ang pagkakaroon ng P3, 000 honorarium/allowance para sa mga PWDS na kabilang sa PWD Federation Officers, at gayundin ang programang Scholarship na ibinigay agad ang nasa labintatlong slots para sa mga anak ng mga PWDs.
Kasama rin ang ilang milyong pisong inilalaan para sa livelihood program o panghanapbuhay na target itaas. |ifmnews
Facebook Comments