Kapakanan ng OFWs, natakay din sa ASEAN summit

Bukod sa usapin ng pagtutulungan sa agrikultura, pagmamanupaktura, at mga serbisyo ng mga kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ay natalakay rin ang hinggil sa Overseas Filipino Workers (OFWs)

Ayon kay house speaker Ferdinand Martin Romualdez, napagtuunan din ang kapakanan at seguridad ng mga OFWs sa iba’t ibang bansa sa ASEAN at sa labas nito sa sideline meetings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Romualdez ay bahagi ng contingent ni PBBM na dumalo sa ASEAN Summit sa Indonesia noong nakaraang linggo.


Kanyang iginiit na pangunahing iniintindi palagi ni Pangulong Marcos ang kapakanan ng OFWs.

Bilang sa suporta dito ay sinabi ni Romualdez, na sa kongreso, ay maraming mga panukalang batas ang kanilang pinaprayoridad para sa kapakanan ng mga manggagawang pilipino sa abroad at ng kanilang pamilya.

Facebook Comments