Patuloy na pinalalakas ng Alaminos City ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng mga makabago at pangmatagalang programa para sa mga lokal na magsasaka.
Kahapon, Disyembre 1, pinasinayaan ang Isda, Gulay, Manok, Itlog (IGMI) Eco Farm Project sa MVC Techno Demo Farm sa pamamagitan ng isang Ribbon-Cutting at Turn-Over Ceremony.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagpapalawak ng paggamit ng sustainable at innovative agricultural practices upang mabigyan ang mga magsasaka ng mas malawak na kaalaman at access sa makabagong kagamitan, na magtutulak sa mas mataas na produktibidad at kahusayan.
Nagsisilbi rin itong demo platform para sa eco-friendly farming methods, modern technologies, at climate-resilient strategies na layong palakasin ang food security at pangangalaga sa kalikasan sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nakatuon ang kanilang mga inisyatiba sa collaborative governance, pagpapalitan ng kaalaman, at aktibong partisipasyon ng mga stakeholder upang higit pang mapaunlad ang agrikultura sa Alaminos City.









